Ang Naruto (Hapon: ナルト) ay isang manga ni Masashi Kishimoto at ang adaptasyon nitong anime-teleserye na tungkol sa isang madaldal at makulit na binatilyong ninja na nagngangalang Uzumaki Naruto na paulit-ulit na naghahanap ng pagtanggap at pagkilala.
Una itong nailathala ng Shueisha sa bansang Hapon sa ika-43 isyu nito noong 1999 ng Shonen Jump na magasin. Sa ngayon mayroon nang 30 bolyum ng manga na nailathala na sa bansa.
Mga Tauhan
Maraming mga tauhang makikilala at ipinakikilala sa anime at manga na Naruto. Binibigyang-diin ng kuwento ang pagbuo sa mga tauhan o character development. Sa simula makikilala natin ang pangunahing tauhan na si Uzumaki Naruto. Makikilala rin natin ang kagrupo ni Naruto na sina Haruno Sakura, Uchiha Sasuke at ang kanilang guro na si Hatake Kakashi. Ipinakilala din ang guro nilang si Umino Iruka sa akademiya ng mga ninja at ang ikatlong Hokage ng bayan ng Konoha na si Sarutobi Hiruzen.
Iba't ibang antas ng Ninja
EstudyanteAng mga estudyante ay tinuturuan ng mga pangunahing kaalaman at gawain ng isang ninja o shinobi.
Genin
Ang Genin ay ang pinakamababang rangko ng isang shinobi. Makakamit ito ng isang ninja kapag siya ay pumasa sa pagsusulit sa Akademya ng ninja. Sa kalimitan, sila ang nagsasagawa ng mga mabababang Class D na misyon.
Chunin
Ito ang rangko ng mga shinobi kapag nakapasa sila sa pagsusulit na Chunin. Sila ang mga nagsasagwa ng mga Class C misyon at ilang mga Class D na misyon.
Jonin
Ang Jonin ay ang rangko ng mga elitistang na shinobi. Sila ang tumatayo na guro ng mga bagong Genin upang magamit nila nang husto ang mga kaalaman at armas ng isang shinobi. Ang mga Jounin ang kadalasang humahawak ng mga matataas na misyong Class A at ilang Class S.
Kage
Ang mga Kage ang tumatayong punong-shinobi ng bawat bayan ng mga ninja. Ito ay bunga ng kanilang galing at kadalubhasaan sa pakikipaglaban at paggawa ng mga desisyon para mapanatiling buhay at masagana ang kanilang nasasakupang bayan. Ang ibig sabihin ng salitang "kage" sa wikang Hapon ay anino.
Missing-Nin
Ang mga Missing-Nins ay mga ninja na inabandona na ang kanilang mga village.
Shinobi Hunter
Bawat bayan ng ninja ay may grupo ng mga Shinobi Hunters. Sila ang mga humuhuli at pumapatay ng mga Missing Ninja upang hindi malaman ang mga sekreto ng kanilang village.
ANBU
Ang ANBU ay ang mga piling Chunin o Jounin na ang mga mission ay ang ipapatay ang mga unwanted visitors sa kanilang village at mga Class S na misyon. Sa kanilang natatanging galing, ang mga ANBU din ang nagsisilbing espesyal na grupo ng mga mandirigmang shinobi. May suot na maskara ang mga ANBU.
Ang ibig sabihin ng ANBU ay Ansatsu Senjutsu Tokushu Butai (暗殺戦術特殊部隊, Ansatsu Senjutsu Tokushu Butai), na ang literal na meaning ay Special Assassination and Tactical Squad.
Reference:www.wikipedia.com
artist: Maylene Uy
1 (mga) komento:
wow.. NARUTO ba... nice drawings
Mag-post ng isang Komento